Wednesday, August 17, 2016

Why We Do Not Buy/Invest Condo/House & Lot in Philippines For Our Own ?

Eh bakit nga ba?

2007 pa lang, I am on a hunt to buy a piece of property. Nag-scout ako ng bahay at lupa and condo, kaya masasabi ko na medyo exposed na ako to this kind of matters.

On viewing day of a certain condo sa may Taguig area. Tinanong ko yung ahente. "Paano kung nasunog, lumindol, or kung ano pa man ang mangyari at bumagsak ang building. Paano yung property? Itatayo nyo ba ulit?" She answered me back with a shocking truth about condominiums. "Nope. Ibebenta ang lupa at paghahati-hatian ng mga owners and pinagbentahan." Ang swerte mo na nun kung mag-breakeven kayo sa pagkakabili mo ng condo + association fees + yung pagkakabili mo sa kakarampot na space for garahe ng sasakyan mo + obligatory insurance + real property tax ng unit mo at common area. Oo, isama mo na ang halos kulang na Php25,000 sa installation ng Meralco and Maynilad. Meron pa! Ang transfer of title (arghhh). So from that day, nawala na sa vocabulary ko ang salitang "condo".

At isa pang tumanim sa utak ko na sinabi ng nanay ko ay "Ma, lupa. Lupa ang bilhin mo." Kaya nag-hello ako sa idea na House & Lot. Tama House and Lot. Hindi lot lang. Bakit kamo? May mga kakilala/kaibigan ako na napasubo sa mahal ng gastos nila sa pagpapatayo ng sarili nilang bahay at binalasubas pa sila ng architect and contractor nila. Andyan crack agad ang sahig at dingding, tumutulo agad ang mga pipes, at iba, after matayo yung pundasyon, iniwan na lang ng contractor. May sahig, may bubong, may dingding pero walang finishing. Kaya talaga yung iba, mababaon sa utang mapatapos lang ang "dream house" nila. Pero hindi sumagi sa isip nila na yung dream house nila ang magbibigay ng bangungot sa kanila sa walang hanggang pagbabayad ng mga nautang nilang pang-pondo.

Ngayon na alam ko na matagal na gusto ko ay bahay at lupa. Bakit di pa nga ba ako nakakabili? Ang totoo nyan...wala pa kaming budget na mag-asawa para dyan. Pero do not get me wrong. Naka-pagscout na kami and nakita na namin ang gusto naming bahay. Alam na namin ang presyo and based sa computation namin sayang ang pera. Haha.

Bakit sayang eh para sa amin naman yun? Kasi pag binili namin yun, wala na kaming pang-fund sa mga investments namin. Ayaw namin na nakatira nga kami dun sa pangarap namin na bahay pero kailangan namin magtrabaho ng 20 years just to pay it off. Ayaw nmin matulad sa iba na nung nawalan na ng trabaho eh nahinto na sa pagbabayad ng bahay..ayun na-remata ng bangko ang bahay at lupa na tanging pinag-ukulan nila ng pagod.

As of now, we are focusing on our cashcows. Investments that will work for us to fund our dream home.

Para makatulong sa inyo makapag-decide kung kaya nyo na ba bumili ng property ngayon, tanungin nyo ang sarili nyo ng ganito:
   --> Sa bahay/condo ba na gusto ko ay may ipon na ako worth 30% ng ng kabuang value property, Bakit 30% ito ay sasagot sa downpayment at may pang-buffer pa kayo kung may singilin man sa inyo na miscellaneous cost.
   --> Yung monthly na hulog ninyo ay hindi lalampas sa 30% na take-home pay po. Bakit? Di pwede na halos buong sahod mo ay pangbayad mo lang buwan-buwan. Paano ang pangkain mo? Pambayad sa bills at pamasahe mo papunta sa opsina? Sige nga?
   --> Kaya mo ba magbayad kahit mawalan ka ng trabaho bukas?(Huwag naman sana) Paano kapag nangyari yun? Bebenta mo ng palugi?

Mag-isip mabuti tayo mga kababayan kung kaya na ba bumili ng condominium/house & lot. Ito ba totong maging "dream come true" sa inyo or magbabaon sa inyo sa utang.

Wednesday, August 3, 2016

Mga pagbabago sa Bagong Barrio (Caloocan City)

"Ma, hindi sa tinataboy ko kayo. Wag na kayo umuwi dito sa bahay kung gagabihin kayo." Yan! Yan! Ang sabi ni tatay nung nagbakasyon kami nung nakaraang April ngayong taon. Bakit nya nasabi yun? Sobrang gulo na sa lugar namin.

Ang tatay at nanay ko ay masasabing isa sa mga 'pioneer' sa bagong barrio. Nagsimula silang manirahan duon ng wala pang tubig, walang ilaw at walang sementadong kalsada. Naalala ko pa ang kwento ng nanay ko, naglalako daw sya ng isda at kulay pula ang putik pag umuulan. Sila ang mga sinaunang tao ng Bagong Barrio. Kaya talagang masasabi ko na nakita nila ang lahat ng pagbabago. Mga di kanais-nais na mga pagbabago. Ako?, dun ako pinanganak at lumaki. Nakita ko ang pag-unlad hindi lng ng aming iskinita kundi kabuan ng lugar. Pati pag-usbong masasamang bisyo.

Oo, droga ang tinutukoy ko. Madaming nabiktima yan. Di lang mga kababata ko kundi pati mismong mga kalahi ko.

Nanakawan kami ng kamag-anak namin na gumagamit para lang sa droga. Sapatos ang  unang natira nuon. Tapos cellphone. Naalala ko nung binitbit ng tatay ko ang isa kong pinsan papuntang baranggay dahil kinuha nya ang cellphone ng ate ko. Sa amin na yung gamit, pero dahil kailangan mo yuon, hahanapin mo ung pinagbenthan at bibilhin mo pabalik. Ang saklap diba? Kung kami nakukuhanan ng gamit what more ang mismong sambahay nila?

May masaklap pa dyan. Ung mga sobrang lulong at mga taong nakapaltos ng mga pinagbentahan. Magugulat ka na lng sa mga takbuhan sa kalye at putok ng baril. May nakabulagta na ng duguan. At ano ang sasabihin ng mga taong nakapaligid? "Malamang hindi nakapag-remit ng pera kaya tinumba." Halos nasanay na nga ang mga taga 'New Village' sa linggo-linggo barilan at saksakan. Mismong nga pulis takot sa mga gang. Di makaalma. Naku lalo sa may Mariano Ponce. As young as 13, sangkot na sa droga.

Nung nanalo pa lang si Duterte ang mga kilala namin na lantaran na nagtutulak biglang nagtago na. Araw-araw ang raid sa mga isknita. Wala ng sugalan at inuman sa bawat kanto. Yung mga padisplay-display na 'wanted' ng batas, ayun nakakulong na. Alas-diyes ng gabi wala ng batang paslit ang nagiingay sa labas. Wala ng balahaw ng maiingay na videoke na hanggang umaga.

From: http://onlinestreetview.com/
Ito pa pala! Nung si Pres. Arroyo ang nakaupo, ang mga drug addicts nun ay biglang naging alcholic na lang, haha! Bakit? Ang reklamo nila sobra na daw mahal ng shabu. Ewan ko bat nung si NoyNoy na eh pati highschool ay biglang naging mga addict. Parang candy na lang sya na nabibili. Tama lng na pagtuunan ng pansin muna ang demand side. Kung walang demand, bakit nga ba sila mag-susupply? Nice tactic Pres Digong!

Nakita namin ang pagbabago, simula pagkapanalo hanggang ngayon sa pagupo ni Duterte.

Kaya sa mga media at mayayaman na nakatira sa condominium at de-guardia na subdivision, try nyo manirahan sa lugar namin para ma-appreciate nyo ang mga nagagawa ng bagong Presidente. Tignan nyo mabuti yung sinasabi nyong extra-judicial killings ngayon. Marami ng napapatay nuon pa dahil sa droga dahil once in dyan, wala ng labasan.

From ThinkingPinoy.Net Facebook Page
Dito namin nasabi na "Pwede pa pala magbago". Na pinagtutunan din pala ng gobyerno ang problema ng mga mahihirap na lugar. Na may pag-asa pa pala ang bansang Pilipinas at ang mga Pilipino. Ngayon wala ng for "publicity sake". Lahat nagtatrabaho ang bawat sector ng gobyerno para sa tunay na pagbabago.

We are writing a history in here. Be part of it! (Imbes na ngawa kayo ng ngawa.) For a drug free, corrupt free and self-sustainable Philippines! Mabuhay ang Pilipino! Sama-sama tayo na maiahon ang ating bansa!

Saturday, June 18, 2016

Bilib Ako Sa Tatay Ko

"Huwag kang makulit!", "Ikaw lang pumasok sa kwarto Wilma, nagkulang ng piso ang pera ko, nagiba pa ayos ng wallet ko.", "Matuto ka mag-ayos ng sarili mong cabinet ng damit", "Ayaw ko ng makalat bunso.", "Nakakainis si tatay. Hanggang 6pm lang ako pwede maglaro sa labas!", "Kainis si tatay, ayaw nya daw ako makikita na magsusugal kahit pa-piso-piso.", "Huwag daw ako manigarilyo, ang kill joy talaga ni tatay", "Wilma, kaibigan mo yang mga pumunta dito? Ni hindi marunong mag-magandang hapon? Siguro ganyan ka din sa kanila! Mamili ka ng ibang kaibigan.", "Umiinom ka na daw Ma?". "Gusto mo rin ng meron sila? Pagtrabahuhan mo!". Nung nagta-trabaho na ako, "Ma, asan ka na? 9pm na uwi na. La-lock ko na itong pinto."

Yan ang mga tumanim sa isip ko. Kung gaano ka-strikto si tatay. Naku! Naku! Naku! Sinong di maiinis na ang mga kalaro mo eh pakalat-kalat pa sa labas at naglalaro at kwentuhan samantalang ikaw nasa bahay nakikitingin n lng sa knila? Sinong di maiinis na bawal ka ng any form ng kahit na anong sugal..as in kahit ano, even alog-tantyan na ang taya nyo ay balat ng candy or goma? Eh yung isa sa sya sa mga factor na ico-consider mo sa pagpili ng kaibigan? Nung bata ako 6pm ang curfew ng tumanda na ako 9pm tumatawag na yan sa cellphone. Pag lumampas ka sa 9 maghanap ka n ng tutulugan mo at isipin mo na isasagot mo paguwi ng bahay ninyo kinabukasan. 

Takot mga kalaro even mga pinsan ko sa tatay ko. Kasi pag sinabi nya, sinabi nya. Kasi pag ginawa nyang batas sa loob ng bahay, alam mo na yun ay para sa ikabubuti ninyong lahat. Susunod at susunod ka. Iisipin mo lagi kung tama ba at ano kaya ang opinyon nya sa gagawin mo. Minsan nga nung bata ako, sabi ko sana iba na lang tatay ko, ung tatay na lahat ng sasabihin ko at gustong gawin eh papayagan ako. Yun ang akala ko. Until...

Until one day, nagsipagtandaan na kami, ung mga babae na buntis na! Yung mga lalake addict na! Bihira sa kasing-edad ko na laging nasa labas ng bahay ng dis-oras na ng gabi na nakatapos ng pag-aaral. Nuon ko napagtanto... salamat sa kamay na bakal ni tatay. 

Salamat dahil sa mga tamang pangaral at tamang panunupil sa aking layaw eh naging maayos kaming magka-kapatid. Walang nabuntis ng hindi kasal at walang nakabuntis. Walang nging addict sa droga o alak man o naging kriminal. 

Nakita ko naman ang ibang tatay na madami ring bawal sa ibang anak pero napariwara pa din. May batas nga sa loob ng bahay, di nmn sinusunod ng mga anak. Bakit? Kasi hindi napapatupad ng maayos at ng may paninindigan. Kasi mismong magulang ang sumusuway sa batas. Hello! Pati nanay ko pag lumampas ng 10pm sigurado away yun hanggang kinabukasan. Pati nanay ko kaya sinasbihan ni tatay tungkol sa mga kumare/kumpare nya. Haha. Walang ligtas ni isa sa amin hanggat nasa puder ka nya. 


Kaya bilib ako sa taong may paninindigan at walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao basta alam nyang nasa tama sya. Bilib ako sa tatay ko. Muli, salamat Tay sa kamay na bakal.
Get this gadget at facebook popup like box