Showing posts with label Caloocan City. Show all posts
Showing posts with label Caloocan City. Show all posts

Wednesday, August 3, 2016

Mga pagbabago sa Bagong Barrio (Caloocan City)

"Ma, hindi sa tinataboy ko kayo. Wag na kayo umuwi dito sa bahay kung gagabihin kayo." Yan! Yan! Ang sabi ni tatay nung nagbakasyon kami nung nakaraang April ngayong taon. Bakit nya nasabi yun? Sobrang gulo na sa lugar namin.

Ang tatay at nanay ko ay masasabing isa sa mga 'pioneer' sa bagong barrio. Nagsimula silang manirahan duon ng wala pang tubig, walang ilaw at walang sementadong kalsada. Naalala ko pa ang kwento ng nanay ko, naglalako daw sya ng isda at kulay pula ang putik pag umuulan. Sila ang mga sinaunang tao ng Bagong Barrio. Kaya talagang masasabi ko na nakita nila ang lahat ng pagbabago. Mga di kanais-nais na mga pagbabago. Ako?, dun ako pinanganak at lumaki. Nakita ko ang pag-unlad hindi lng ng aming iskinita kundi kabuan ng lugar. Pati pag-usbong masasamang bisyo.

Oo, droga ang tinutukoy ko. Madaming nabiktima yan. Di lang mga kababata ko kundi pati mismong mga kalahi ko.

Nanakawan kami ng kamag-anak namin na gumagamit para lang sa droga. Sapatos ang  unang natira nuon. Tapos cellphone. Naalala ko nung binitbit ng tatay ko ang isa kong pinsan papuntang baranggay dahil kinuha nya ang cellphone ng ate ko. Sa amin na yung gamit, pero dahil kailangan mo yuon, hahanapin mo ung pinagbenthan at bibilhin mo pabalik. Ang saklap diba? Kung kami nakukuhanan ng gamit what more ang mismong sambahay nila?

May masaklap pa dyan. Ung mga sobrang lulong at mga taong nakapaltos ng mga pinagbentahan. Magugulat ka na lng sa mga takbuhan sa kalye at putok ng baril. May nakabulagta na ng duguan. At ano ang sasabihin ng mga taong nakapaligid? "Malamang hindi nakapag-remit ng pera kaya tinumba." Halos nasanay na nga ang mga taga 'New Village' sa linggo-linggo barilan at saksakan. Mismong nga pulis takot sa mga gang. Di makaalma. Naku lalo sa may Mariano Ponce. As young as 13, sangkot na sa droga.

Nung nanalo pa lang si Duterte ang mga kilala namin na lantaran na nagtutulak biglang nagtago na. Araw-araw ang raid sa mga isknita. Wala ng sugalan at inuman sa bawat kanto. Yung mga padisplay-display na 'wanted' ng batas, ayun nakakulong na. Alas-diyes ng gabi wala ng batang paslit ang nagiingay sa labas. Wala ng balahaw ng maiingay na videoke na hanggang umaga.

From: http://onlinestreetview.com/
Ito pa pala! Nung si Pres. Arroyo ang nakaupo, ang mga drug addicts nun ay biglang naging alcholic na lang, haha! Bakit? Ang reklamo nila sobra na daw mahal ng shabu. Ewan ko bat nung si NoyNoy na eh pati highschool ay biglang naging mga addict. Parang candy na lang sya na nabibili. Tama lng na pagtuunan ng pansin muna ang demand side. Kung walang demand, bakit nga ba sila mag-susupply? Nice tactic Pres Digong!

Nakita namin ang pagbabago, simula pagkapanalo hanggang ngayon sa pagupo ni Duterte.

Kaya sa mga media at mayayaman na nakatira sa condominium at de-guardia na subdivision, try nyo manirahan sa lugar namin para ma-appreciate nyo ang mga nagagawa ng bagong Presidente. Tignan nyo mabuti yung sinasabi nyong extra-judicial killings ngayon. Marami ng napapatay nuon pa dahil sa droga dahil once in dyan, wala ng labasan.

From ThinkingPinoy.Net Facebook Page
Dito namin nasabi na "Pwede pa pala magbago". Na pinagtutunan din pala ng gobyerno ang problema ng mga mahihirap na lugar. Na may pag-asa pa pala ang bansang Pilipinas at ang mga Pilipino. Ngayon wala ng for "publicity sake". Lahat nagtatrabaho ang bawat sector ng gobyerno para sa tunay na pagbabago.

We are writing a history in here. Be part of it! (Imbes na ngawa kayo ng ngawa.) For a drug free, corrupt free and self-sustainable Philippines! Mabuhay ang Pilipino! Sama-sama tayo na maiahon ang ating bansa!
Get this gadget at facebook popup like box