Saturday, June 18, 2016

Bilib Ako Sa Tatay Ko

"Huwag kang makulit!", "Ikaw lang pumasok sa kwarto Wilma, nagkulang ng piso ang pera ko, nagiba pa ayos ng wallet ko.", "Matuto ka mag-ayos ng sarili mong cabinet ng damit", "Ayaw ko ng makalat bunso.", "Nakakainis si tatay. Hanggang 6pm lang ako pwede maglaro sa labas!", "Kainis si tatay, ayaw nya daw ako makikita na magsusugal kahit pa-piso-piso.", "Huwag daw ako manigarilyo, ang kill joy talaga ni tatay", "Wilma, kaibigan mo yang mga pumunta dito? Ni hindi marunong mag-magandang hapon? Siguro ganyan ka din sa kanila! Mamili ka ng ibang kaibigan.", "Umiinom ka na daw Ma?". "Gusto mo rin ng meron sila? Pagtrabahuhan mo!". Nung nagta-trabaho na ako, "Ma, asan ka na? 9pm na uwi na. La-lock ko na itong pinto."

Yan ang mga tumanim sa isip ko. Kung gaano ka-strikto si tatay. Naku! Naku! Naku! Sinong di maiinis na ang mga kalaro mo eh pakalat-kalat pa sa labas at naglalaro at kwentuhan samantalang ikaw nasa bahay nakikitingin n lng sa knila? Sinong di maiinis na bawal ka ng any form ng kahit na anong sugal..as in kahit ano, even alog-tantyan na ang taya nyo ay balat ng candy or goma? Eh yung isa sa sya sa mga factor na ico-consider mo sa pagpili ng kaibigan? Nung bata ako 6pm ang curfew ng tumanda na ako 9pm tumatawag na yan sa cellphone. Pag lumampas ka sa 9 maghanap ka n ng tutulugan mo at isipin mo na isasagot mo paguwi ng bahay ninyo kinabukasan. 

Takot mga kalaro even mga pinsan ko sa tatay ko. Kasi pag sinabi nya, sinabi nya. Kasi pag ginawa nyang batas sa loob ng bahay, alam mo na yun ay para sa ikabubuti ninyong lahat. Susunod at susunod ka. Iisipin mo lagi kung tama ba at ano kaya ang opinyon nya sa gagawin mo. Minsan nga nung bata ako, sabi ko sana iba na lang tatay ko, ung tatay na lahat ng sasabihin ko at gustong gawin eh papayagan ako. Yun ang akala ko. Until...

Until one day, nagsipagtandaan na kami, ung mga babae na buntis na! Yung mga lalake addict na! Bihira sa kasing-edad ko na laging nasa labas ng bahay ng dis-oras na ng gabi na nakatapos ng pag-aaral. Nuon ko napagtanto... salamat sa kamay na bakal ni tatay. 

Salamat dahil sa mga tamang pangaral at tamang panunupil sa aking layaw eh naging maayos kaming magka-kapatid. Walang nabuntis ng hindi kasal at walang nakabuntis. Walang nging addict sa droga o alak man o naging kriminal. 

Nakita ko naman ang ibang tatay na madami ring bawal sa ibang anak pero napariwara pa din. May batas nga sa loob ng bahay, di nmn sinusunod ng mga anak. Bakit? Kasi hindi napapatupad ng maayos at ng may paninindigan. Kasi mismong magulang ang sumusuway sa batas. Hello! Pati nanay ko pag lumampas ng 10pm sigurado away yun hanggang kinabukasan. Pati nanay ko kaya sinasbihan ni tatay tungkol sa mga kumare/kumpare nya. Haha. Walang ligtas ni isa sa amin hanggat nasa puder ka nya. 


Kaya bilib ako sa taong may paninindigan at walang pakialam sa sasabihin ng ibang tao basta alam nyang nasa tama sya. Bilib ako sa tatay ko. Muli, salamat Tay sa kamay na bakal.

No comments:

Get this gadget at facebook popup like box