Muntik ko na malimutan 5 years na pala akong ofw last Sunday, 1st November. I posted it on my facebook wall and I am shocked sa mga comments na natanggap ko.
Our friend John says uwi na daw ako and even Sir Noli Alleje. To think about it di pa namin kayang umuwi mag-asawa.
Bakit nga ba ako nangibang bayan?
- Kasi gusto namin na magkasama kaming mag-asawa. Primary, hindi para sa trabaho, mahirap kasi ang magkahiwalay.
Ikaw? Bakit ka nga po ba nagOFW? Ano ang primary mission mo?
Ano ang pinakamahirap na naranasan ko dito bilang OFW?
- Habang nanonood ako ng PinoyInvestor Episode 2, gusto ko maiyak. Di lang pala talaga ako ang nakaranas ng discrimination dito. Nung bago pa ako, syempre di ko pa sila gaanong naiintindihan kasi iba ang pronunciation and diction nila dito, may nagtanong sakin "Do you understand simple english or not?" Nanliit ako nun. Gusto ko manakit ng tao. Haha. Meron pa, "I tripled your salary in here, so I want you to work three times too!". Gusto ko sunigaw nun at sabihin na "Ang monthly sahod ko LANG ang tinriple ninyo. Kaya kong kitain yang sahod na binibigay nyo sa pagpirma sa import entry sa customs!".
Nakakapangliit diba? Kayo? Ano pinakamasakit na salita ang tinanggap ninyo?
Saan napunta ang pera ko? -
Alam nyo ba na tinanong ako ng kapwa OFW ko nyan. Saan daw napunta ang pera nya? Di ko naman hawak pero ako ang tinanong nya. Hahaha! Kasi marami talaga sa atin na di talaga alam saan napunta ang pera nila.
Most of the OFWs talagang walang ipon. Bakit? Kasi marami silang napangako bago sila umalis. Magpatayo ng sariling bahay, mapag-aral ang mga kapatid, anak, pinsan, makabayad ng utang. Maraming dahilan bakit wala talagang ipon at minsan baon pa sa utang. Pero naisip ba ng OFW na tulad ko paano masusulusyunan yun?
Magkaron ng check and balance. Bawat pinapadala dapat nakalista at alam mo na sa tamang pagpupuntahan ang mga ipapadala na funds. Kasi madaming kwento na naputulan sila ng ilaw/tubig dahil yung supposedly na pambayad eh pinambili ng bagong sapatos or pinang-inom. Hayy! Kay saklap!
Isip-isip hanggat di pa huli ang lahat.
May exit plan ba ako?
- Tanong yan ni Ms Salve Duplito ng ANC on the Money. Oo nga, ano ba ang exit plan naming mag-asawa lalo na at nagbabawas na ng empleyado ang mga company dito. Handa ba kami umuwi ng Pinas anytime? May ipon ba kami na maglalast ng 6-8 buwan kung sakaling mahirapan kami ng trabaho?
Masasabi ko na we are on our halfway in building our exit plan. Malapit na. Sa awa't tulong ng nasa taas.
Kayo? Hindi baka kayo hahagulgol pag biglang mare-trench kayo?
Hanggang kelan ka magiging OFW?
- Ito ang gusto ko marinig na masagot. Hanggang kelan? Well, unless may balak ka na maging citizen ng bansa na kinabibilangan mo ngayon. Kasi madaming OFW iniwan ang anak after ng panganganak sa pinas para mamasukan hanggang ngayon na may apo na sya hindi parin umuuwi kasi walang trabaho ang mga tao sa pinas.
Ang ibang OFW eh tintapalan ng mga mamamahaling gamit ang pagkawala nila sa piling ng mga mahal sa buhay. Kaya imbes na turuan na magsikap ang nasa Pinas eh nagiging tamad at ayaw magsipagtrabaho.
Kami hanggang kelan? Matapos lang nmin ang project namin sa Pinas at sana ay matapos na agad para makauwi na kami. Iba kasi na kasama mo ang mga mahal mo sa buhay diba?
Yan po. Yaan ang mga tanong na gusto ko din sagutin ninyo.
Limang taon na akong OFW at Anim na taon naman ang asawa ko at nagsisikap para mapagtagumpayan namin ang pagbalik namin mag-asawa sa Pinas balang araw.