Showing posts with label Investment (Paper Assets) For Me?. Show all posts
Showing posts with label Investment (Paper Assets) For Me?. Show all posts

Sunday, May 31, 2020

SeedIn Philippines: Katiwa-tiwala ba?

Ang hirap na magtiwala sa mga binibitawang salita ng mga tao ngayon what more pa kaya na ipagkatiwala ang pinaghirapan mong pera diba? 

Marami-rami akong nasunog na investments. COOP at mga patanim.. Teka., bakit ako lang? Kasi ang asawa kong si Abbey ay conservative investor at medyo napag-iiwanan sa mga investment opportunities.. Actually, okay nga yon, at least ako lang ang sunog ng 6-digits. 

Sa investment, okay naman na masabi na malugi. Kasama talaga yun, pero yung tinuturing mo na kaibigan mo na kausap ng mga pinag-investan mo ang bigla na lang di magre-reply sa mga messages.. Ay di na pala sya pwede mag-reply. haha! (Kim Chiu ikaw ba yan?)�
Anyways, we’re here for SEEDIN PH. 

I first encountered SeedIn on sa Singapore Fintech 2018. Have chatted them and told us that they met NEM Philippines. Second encounter is when Terence of VK5 Solutions invited us on their event last 2019. Still, ayaw ko pa din bitawan ang pera to invest. Haha!

Abbey read SEEDIN PH and SEEDIN SG’s papers and records and finally he decided to invest last December. Sabi ko aantayin ko na muna lumabas ang investment nya, nung nakita ko na binalik ang invested money at may kahit papanong tubo, tsaka ako nag-invest.
Invested Php111,179.68 (bat may butal? yan yung dating tinubo ni hubby, isinama nya) and tumubo ng Php1,686.22 (less the withholding tax) for 2 months.


Then, after ko makita ang pay-out, I asked Abbey na withdraw it papuntang bank account. In just two days nasa account na namin..

Should I trust them again for another investment? Yes. Why?
     1. They scrutinise the papers, collaterals and projects of creditors. 
     2. They have short term projects for investors. Around 2-6 months. 
     3. They have presence not only Philippines but also in here Singapore. 
     4. They deduct and remit the withholding tax for me. Worry free. 

FAQ:
     1. What is the minimum, how long the is duration and how much is the interest - It all depends on the project. 
     2. Do they issue a contract? - Yes. You can download the contract from your dashboard
     3. How risky? - Very risky. That is why they are getting collaterals from the creditors. SeedIn has a set of legal mechanisms and contingency plans in place to mitigate such risks.

Kung di pa din kayo sure (which is normal lang yan) better to dip first your finger.. REGISTER to SEEDIN first and magmasid-masid.. 

If you think, nakatulong ang blog na ito, you can use my husband’s referral code : https://www.seedinph.tech/register?ref=1982 and register as Retail/Qualified Investor. 

Thank you and more investments to come sa ating lahat! May HE bless us all! 


Note: This blogpost is not in any way sponsored by SeedIn Philippines/Singapore. 
Study before invest. Invest at your own risk.

Friday, October 2, 2015

What Is The Best Investment (Paper Assets) For Me?



So ano? Tapos mo na baguhin ang mindset mo regarding sa pera, cleared out na lahat ang pagkakautang mo, may ipon ka na that will serve as your emergency fund (6-8 months worth of your monthly expenses), you are well protected by insurance.. Very good kung sinunod mo ang step-by-step in building a strong financial foundation. Ano na ang next step? INVESTMENT. 

"I am investing in stock market", ang sexy pakinggan no. Ang sikat mo nun pare, feeling iba ka pag sinabi na 'investor' ka.

Pagtuunan natin ng pansin ang paper assets. Paano mo nga malalaman ano ang best for you.. Direct trading ba to PSE o dadaanan tayo through mutual fund companies or banks for UITF. 

Pakibasa ang chart below. Sana makatulong sa pagdedesisyon ninyo sa pagpasok sa mundo ng investing. From there makakapag-decide ka kung ano ang pwede sayo that depends sa schedule at sa risk appetite mo. 

Click to Enlarge Image
Kung makikita nyo, TIME ang unang-una mo dapat malaman. Meron ka bang sapat na oras na pwede ilaan para magbasa, mag-aral at umattend ng seminars para matutunan ang pasikot-sikot ng paper assets. Meron? Good for you. Ano pa inaantay mo? Magbukas ng COL Account. 

Wala kang time? Di mo kaya i-give up ang panood ng telenovela or 3 accumulated hours na pag-fafacebook/twitter? Pero mataas ang risk treshold mo. Yung tipong makakatulog ka ng mahimbing kahit pulang-pula na ang merkado. Walang problema, the fund managers ng mga mutual funds at UITF are there to trade/invest for you in equity funds. Open an account and then its up to you paano mo dadagdagan ang investment mo. Walang tatawag sayo na due ka na or kailangan mo magtop-up. Pero tandaan mo the more you put in eh the more you can withdraw balang araw. 

Hindi ka Risk-Taker? Gusto mo sigurado na tutubo ang pera mo in a long run (5-10 years) na higit sa interest rates ng savings account ng mga bangko. Go for bonds. 

Eh you do not have time but you want to trade directly sa Philippine Stock Exchange. Kasi nga naman ang lakas makahatak ng chiks at ng mga fafa pag nalaman nila na you are a stock market investor. Pwede mo pa din pasukin ito. CitisecOnline have a certain page na nagsasabi kung ano ang magandang bilhin for that week, ano ang buy below price at ang selling price nya. And the best dun that advise is for free.  

Tandaan huwag mag-loloan para lang pangumpisa ng pan-invest. Hindi maganda. Pangit yan sa feng shui. Haha! Joke lang po. Huwag mangungutang para lang pumasok sa stock market. Tandaan kahit si Madam Auring di kayang hulaan na tataas o babagsak ang bawat shares sa araw ng bukas. Wag maglaro sa stock market ng walang sapat na kaalaman. Kakainin kayo ng buhay nun. Hehe!

Get this gadget at facebook popup like box