Showing posts with label Buhay OFW. Show all posts
Showing posts with label Buhay OFW. Show all posts

Monday, October 23, 2017

Ang Totoong Dahilan Bakit WALANG IPON ang Karamihan sa OFW

Sa halos lahat ng na-attendan namin about OFW or financial literacy seminars, kapag ang speaker ay magtatanong kung may naipon na ba kami ang malakas na laging sagot ay "OO! RESIBO!", tapos yun ay siguradong susundan ng tawanan.

Pero after ng masayang hagikgikan, talaga bang nakangiti ka pa din pag nakikita mo na ang utang na imbes na nababayaran ay lalong nagpapatong-patong, anytime ba na mawalan ka ng trabaho ay handa ka at mga kamag-anak mo na uuwi ka na?


Sa mga nabasa namin at narinig naming kwento ng mga OFW na tulad ko, ito ang tatlong (3) dahilan bakit imbes na maka-ahon financially eh lalong nababaon:

1. Maling Pag-iisip ~ “Maliit lang sahod ko, paano pa ako makakaipon?”... Maling pag-iisip ito. Bakit? Marami rin malaki ang sahod na tulad mong baon sa utang. Kung totoong maliit na sahod ang dahilan, sana wala ng naka-angat sa buhay na mahirap.

“Ano ba naman ang Php1,000 buwan-buwan? Walang magagawa yung halaga na yun sa kinabukan ko!” MALING PAG-IISIP na naman yan. Isipin nyo na lang kung maka-ipon kayo nun buwan-buwan at nilagay mo sa tamang investment vehicle, pwedeng kumita ka ng Php20,000 mahigit sa loob ng limang taon. San mo mapupulot yung ganun na halaga?

Huwag maliitin ang sahod at ang magagawa ng maliit na perang maitatabi. Tandaan, Beware of little expenses. A small leak will sink a great ship. Ganun din sa pag-iimpok, baligtarin mo. Ang kaibahan nyan, ang Maliit na ipon ay makakapagpatayo ng malaking barko. Kuha nyo?

2. Disiplina ~ Di natin makaya na disiplinahin ang sarili at mga naiwan natin sa Pinas. Lagi mong iisipin ang totoong dahilan bakit ka nangibang bayan. At yun ang unahin mong atupagin na matupad. Disiplinahin mo ang sarili mo na mag-impok hindi lang para sayo pati sa pamilya mo.

Tandaan mo kapatid na OFW ikaw ang unang-una papasok sa isip ng mga tao sa Pinas sa panahon ng pangangailangan. Gusto mo ba na ang pang-ospital sa pamilya mo eh ipagmamaka-awa mo sa mga kamag-anak mo na nasa Pinas?

3. Yabang ~ May nabasa kaming kwento; ang asawa na naiwan sa Pinas, kumuha ng sangkatutak na loan. Loan ng bahay, loan ng kotse, panay ang kaskas ng credit card at mga bagong devices. Kitang-kita na ang pag-asenso nila ng madaming tao, pero isang araw natanggal ang asawang seaman sa trabaho. Sa tingin mo san sila kukuha ng pangtustos sa mga kinuha nila na hulugan? It is either uutang or bebenta ng palugi ang mga ari-arian.

Turuan natin ang sarili natin sa pag-gastos sa abroad at lalong-lao na ng mga naiwan natin sa Pinas. Huwang natin isipin na mababayaran ng mga gadgets na papadala mo ang oras na wala mo sa piling ng mga anak o asawa mo.

Huwag makipag-kumpetensya sa kapitbahay. Hindi porket bumili sya ng 60-inch na tv eh dapat meron din ang pamilya mo. Huwag na huwag makipag-sabayan kung hindi talaga kaya.


Sana makatulong ang blogpost na ito para maharap ng mga OFW ang katotohan (masakit man) na madami sa atin ay merong MALING PAG-IISIP, WALANG DISIPLINA at NUKNUKAN NG YABANG. Di ako magpapa-sintabi kasi gusto ko talaga kayong matamaan at magising. Nasa sa inyo na nga lang kung tatangapin nyo ito in positive or negative way.


Wednesday, November 4, 2015

Hanggang Kelan Ako Magiging OFW?

Muntik ko na malimutan 5 years na pala akong ofw last Sunday, 1st November. I posted it on my facebook wall and I am shocked sa mga comments na natanggap ko. 

Our friend John says uwi na daw ako and even Sir Noli Alleje. To think about it di pa namin kayang umuwi mag-asawa. 

Bakit nga ba ako nangibang bayan? 
- Kasi gusto namin na magkasama kaming mag-asawa. Primary, hindi para sa trabaho, mahirap kasi ang magkahiwalay. 

Ikaw? Bakit ka nga po ba nagOFW? Ano ang primary mission mo? 

Ano ang pinakamahirap na naranasan ko dito bilang OFW? 
- Habang nanonood ako ng PinoyInvestor Episode 2, gusto ko maiyak. Di lang pala talaga ako ang nakaranas ng discrimination dito. Nung bago pa ako, syempre di ko pa sila gaanong naiintindihan kasi iba ang pronunciation and diction nila dito, may nagtanong sakin "Do you understand simple english or not?"  Nanliit ako nun. Gusto ko manakit ng tao. Haha. Meron pa, "I tripled your salary in here, so I want you to work three times too!". Gusto ko sunigaw nun at sabihin na "Ang monthly sahod ko LANG ang tinriple ninyo. Kaya kong kitain yang sahod na binibigay nyo sa pagpirma sa import entry sa customs!". 

Nakakapangliit diba? Kayo? Ano pinakamasakit na salita ang tinanggap ninyo? 

Saan napunta ang pera ko? -
Alam nyo ba na tinanong ako ng kapwa OFW ko nyan. Saan daw napunta ang pera nya? Di ko naman hawak pero ako ang tinanong nya. Hahaha! Kasi marami talaga sa atin na di talaga alam saan napunta ang pera nila.

Most of the OFWs talagang walang ipon. Bakit? Kasi marami silang napangako bago sila umalis. Magpatayo ng sariling bahay, mapag-aral ang mga kapatid, anak, pinsan, makabayad ng utang. Maraming dahilan bakit wala talagang ipon at minsan baon pa sa utang. Pero naisip ba ng OFW na tulad ko paano masusulusyunan yun? 

Magkaron ng check and balance. Bawat pinapadala dapat nakalista at alam mo na sa tamang pagpupuntahan ang mga ipapadala na funds. Kasi madaming kwento na naputulan sila ng ilaw/tubig dahil yung supposedly na pambayad eh pinambili ng bagong sapatos or pinang-inom. Hayy! Kay saklap! 

Isip-isip hanggat di pa huli ang lahat. 

May exit plan ba ako?
- Tanong yan ni Ms Salve Duplito ng ANC on the Money. Oo nga, ano ba ang exit plan naming mag-asawa lalo na at nagbabawas na ng empleyado ang mga company dito. Handa ba kami umuwi ng Pinas anytime? May ipon ba kami na maglalast ng 6-8 buwan kung sakaling mahirapan kami ng trabaho? 

Masasabi ko na we are on our halfway in building our exit plan. Malapit na. Sa awa't tulong ng nasa taas. 

Kayo? Hindi baka kayo hahagulgol pag biglang mare-trench kayo? 

Hanggang kelan ka magiging OFW?
- Ito ang gusto ko marinig na masagot. Hanggang kelan? Well, unless may balak ka na maging citizen ng bansa na kinabibilangan mo ngayon. Kasi madaming OFW iniwan ang anak after ng panganganak sa pinas para mamasukan  hanggang ngayon na may apo na sya hindi parin umuuwi kasi walang trabaho ang mga tao sa pinas. 

Ang ibang OFW eh tintapalan ng mga mamamahaling gamit ang pagkawala nila sa piling ng mga mahal sa buhay. Kaya imbes na turuan na magsikap ang nasa Pinas eh nagiging tamad at ayaw magsipagtrabaho. 

Kami hanggang kelan? Matapos lang nmin ang project namin sa Pinas at sana ay matapos na agad para makauwi na kami. Iba kasi na kasama mo ang mga mahal mo sa buhay diba? 

Yan po. Yaan ang mga tanong na gusto ko din sagutin ninyo. 

Limang taon na akong OFW at Anim na taon naman ang asawa ko at nagsisikap para mapagtagumpayan namin  ang pagbalik namin mag-asawa sa Pinas balang araw. 

Get this gadget at facebook popup like box