Madaming tao nagtatanong sa akin ano ang tingin ko sa kanilang mga problema sa puso. Hindi as sakit ha kundi relasyon sa knilang mga boyfriend/girlfriend o mga asawa. Nuon ganun lang. Ngayon dahil malamang lahat ng kakilala ko ay may mga asawa na, hindi maiiwasan na tanungin din nila ako ng mga usapin tungkol sa budgeting nmin mag-asawa.
Nung nag-share ako ng pasasalamat sa Financial Group 2nd Anniversary year-end party, yung iba nagulat nung sinabi ko na kanya-kanya kaming hawak ng pera ni Abbey. Hindi na yun bago sa mga talagang malalapit sa amin. Pero syempre yung mga kakakilala pa lang eh bukod sa gulat eh madami din tanong. Tulad ng...
1. Paano mo malalaman kung sobra na ang pinapadala ng asawa mo sa pamilya nya
2. Paano mo malalaman kung anu-ano pinagkakagastusan ni mister.
3. Baka mamaya may kalaguyo na yan. Ikaw din.
4. Sino ang nagiipon para sa future ninyo?
At kung anu-ano pa.
But for me financially-happily ever after evolves in different values of human. Basahin mo ung mga susunod at magkaron ka ng check-list.
TRUST
I trust Abbey's decisions how to spend his hard earned money. My father even told me way back before "Ang asawa mo nagiisip bago gumastos." He even have an app to monitor his monthly expenses.
"Nakapagpadala na tayo para kila papa.", monthly yan na maririnig ko sa asawa ko. Pag hindi nya nabanggit for 1st week ako na magtatanong kung naitransfer na nya na ba ung para sa kanila.Sa side ko? He knew it all. We only have one account in remittance center and it was named after him. So, every month when I am giving money for my dad and mom's monthly allowance he is always asking "Hindi mo dadagdagan?".
Diba? Sarap ng mga ganyan klaseng tanungan? Kaysa sa "Nagbigay ka na naman sa pamilya mong batugan!". Haha!
HONESTY
Maging tapat sa isa't-isa kung magkano ang pumapasok at magkano ang lumalabas. In that way, you and your spouse can both adjust. Baka kasi yung partner mo buong katawan at utak ay pagod na pagod na kakatrabaho para kumita ng pera, ikaw naman bili dun at kain dito ang inaatupag para lang may ma-ipost sa facebook.
Alam ni Abbey ang sahod ko at ganun din ako sa sahod nya. Pero we do not get the habit na i-check ng i-check ang mga bank accounts ng isa't-isa. We know each other's passwords pero dahil nga walang dahilan para magsinungaling eh it is only a waste of time to see if the amount debited and payslip is totally the same.
Na-save na ang oras ninyo wala ka pang sakit sa damdamin kakahinala.
COMMUNICATION
Usap-usap din pag may time. Mali! Dapat laging magusap.
Baka naman kaya hindi maaayos-ayos ang buhay ninyo kasi ayaw nyo upuan. Baka naman bubuka pa lang ang bibig ni mister para pagusapan ang gastusin eh nakasinghal ka na kaagad.
Naalala ko ung housemate ng kaibigan ko dito sa Singapore nung tinanong niya ako about sa telenovela kung ano na ang nangyari. Sabi ko pasensya na di ako nanood ng mga drama. Ang point ko lang, imbes na ubusin niyo ang oras niyo pakikipagtitigan sa tv eh bakit hindi kayo mag-usap mag-asawa? At sana kapag mag-usap kayo eh magpakumbaba kung may mali man kayo at yung may tama naman ay wag maninigaw.
Gawin nating lahat ng may pagmamahal. Alalahanin ninyo asawa ninyo ang kausap nyo hindi ninyo treasurer or sekretarya.
HIYA
Mukha akong magastos pero kung kilala nyo ako eh sasabihin ninyo na "tsani" ako. Tulad ni Abbey bago ako bumili eh nagiisip ako ng madaming beses kung kailangan ko ba ang bagay na yun. Kung matipid ka hindi lang sa salita kundi sa gawa eh mahihiya ang partner mo na gumastos sa walang katuturan.
Walanghiya din ako alam nyo ba yun? Si Abbey bago nagkaroon ng iPad/iMac madami akong tanong kung bakit nya kailangan. Makalipas ang 3 buwan pumayag ako at maraming kundisyon. Kailangan nya ma-100% ang exam nya at kailangan ay sa IT show namin bilhin para kung hindi man discounted eh madaming makuha na freebies.
COMPATIBILITY
I am so blessed to have a husband which complements my goals in life. I am so blessed that I have my own cheerleader. Every time I lay a plan, he never tells a "no". He always tell na "I think this would be better."
We both believe in investing and aiming for an early retirement. We are in the same page when it comes helping people in need and we learned to harden our heart when lazy people are asking for funds. Ayaw namin sana maging dahilan ng pag-aawayan ay pera.
Dati tuwing magkukuwento ako gaano ako kaswerte sa asawa ko kasi mag-apat na taon na kami kasal eh wala pa talagang away na nagaganap sa amin; ngayon na-realize ko na may away na pala. Tinawagan ko siya sa trabaho nun at nanggigigil ko syang tinanong, "Nag-withdraw ako kanina, lumaki yung balance ng account ko. Dinagdagan mo na naman pera ko 'no?".
Ang asawa ko nasa kabilang linya. Tumatawa. Ang cute-cute ko daw. Haha!
We are both thankful to our parents who set good financial values in us. Kung nagkulang ang nanay at tatay mo sa pangangaral sayo about sa money management eh di pa huli ang lahat para matuto.
Mas maigi ang magtanong kesa magmarunong. Kaya sana bago magpakasal eh mapag-usapan ninyo ang mga bagay na pinansyal. Makikita mo dun kung magiging asset ba ang magiging asawa mo or liability, magiging cheerleader mo ba sya o greatest critic, magiging masaya ka ba pagtapos ng kasal o kinabukasan pagtapos ninyong mag-"I DO" ay baon ka na sa utang.
Isip-isip...
Tandaan, ang isa sa kadalasang dahilan ng paghihiwalay ng mga mag-aasawa eh pera.