Monday, October 23, 2017

Ang Totoong Dahilan Bakit WALANG IPON ang Karamihan sa OFW

Sa halos lahat ng na-attendan namin about OFW or financial literacy seminars, kapag ang speaker ay magtatanong kung may naipon na ba kami ang malakas na laging sagot ay "OO! RESIBO!", tapos yun ay siguradong susundan ng tawanan.

Pero after ng masayang hagikgikan, talaga bang nakangiti ka pa din pag nakikita mo na ang utang na imbes na nababayaran ay lalong nagpapatong-patong, anytime ba na mawalan ka ng trabaho ay handa ka at mga kamag-anak mo na uuwi ka na?


Sa mga nabasa namin at narinig naming kwento ng mga OFW na tulad ko, ito ang tatlong (3) dahilan bakit imbes na maka-ahon financially eh lalong nababaon:

1. Maling Pag-iisip ~ “Maliit lang sahod ko, paano pa ako makakaipon?”... Maling pag-iisip ito. Bakit? Marami rin malaki ang sahod na tulad mong baon sa utang. Kung totoong maliit na sahod ang dahilan, sana wala ng naka-angat sa buhay na mahirap.

“Ano ba naman ang Php1,000 buwan-buwan? Walang magagawa yung halaga na yun sa kinabukan ko!” MALING PAG-IISIP na naman yan. Isipin nyo na lang kung maka-ipon kayo nun buwan-buwan at nilagay mo sa tamang investment vehicle, pwedeng kumita ka ng Php20,000 mahigit sa loob ng limang taon. San mo mapupulot yung ganun na halaga?

Huwag maliitin ang sahod at ang magagawa ng maliit na perang maitatabi. Tandaan, Beware of little expenses. A small leak will sink a great ship. Ganun din sa pag-iimpok, baligtarin mo. Ang kaibahan nyan, ang Maliit na ipon ay makakapagpatayo ng malaking barko. Kuha nyo?

2. Disiplina ~ Di natin makaya na disiplinahin ang sarili at mga naiwan natin sa Pinas. Lagi mong iisipin ang totoong dahilan bakit ka nangibang bayan. At yun ang unahin mong atupagin na matupad. Disiplinahin mo ang sarili mo na mag-impok hindi lang para sayo pati sa pamilya mo.

Tandaan mo kapatid na OFW ikaw ang unang-una papasok sa isip ng mga tao sa Pinas sa panahon ng pangangailangan. Gusto mo ba na ang pang-ospital sa pamilya mo eh ipagmamaka-awa mo sa mga kamag-anak mo na nasa Pinas?

3. Yabang ~ May nabasa kaming kwento; ang asawa na naiwan sa Pinas, kumuha ng sangkatutak na loan. Loan ng bahay, loan ng kotse, panay ang kaskas ng credit card at mga bagong devices. Kitang-kita na ang pag-asenso nila ng madaming tao, pero isang araw natanggal ang asawang seaman sa trabaho. Sa tingin mo san sila kukuha ng pangtustos sa mga kinuha nila na hulugan? It is either uutang or bebenta ng palugi ang mga ari-arian.

Turuan natin ang sarili natin sa pag-gastos sa abroad at lalong-lao na ng mga naiwan natin sa Pinas. Huwang natin isipin na mababayaran ng mga gadgets na papadala mo ang oras na wala mo sa piling ng mga anak o asawa mo.

Huwag makipag-kumpetensya sa kapitbahay. Hindi porket bumili sya ng 60-inch na tv eh dapat meron din ang pamilya mo. Huwag na huwag makipag-sabayan kung hindi talaga kaya.


Sana makatulong ang blogpost na ito para maharap ng mga OFW ang katotohan (masakit man) na madami sa atin ay merong MALING PAG-IISIP, WALANG DISIPLINA at NUKNUKAN NG YABANG. Di ako magpapa-sintabi kasi gusto ko talaga kayong matamaan at magising. Nasa sa inyo na nga lang kung tatangapin nyo ito in positive or negative way.


1 comment:

Mommy Em said...

Possible din naman na kaya wala ipon kasi napupunta sa investments like bahay, insurance :)

Get this gadget at facebook popup like box