Monday, May 18, 2015

Fatal Red Flags In Your Relationship That You May Be Ignoring

Madaming nagtatanong sa akin kung paano ko nalaman na si Abbey na ang dapat kong pakasalan. Well, yan din ang tanong ko sa mga kapatid ko nuon nung bata pa ako. Paano nila nalaman na yun na ang dapat nilang pakasalan?
Kasi sabi nga nila ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na kapag sinubo mo at nainitan ka eh pwede mong iluwa. Pag napasubo ka sa pag-aasawa eh kahit masunog pa ang buong bibig at lalamunan mo sa init eh hindi mo na pwedeng iluwa. Walang bawian. 

Imbes na isa-isahin ko ang good traits ni Abbey eh iisa-isahin ko ang "red flags" for you to check if it does exist in your relationship or sa mapapangasawa mo. In that you can check if you will really have a happy ever after or hell after the "I do".

1. Laging nag-aaway. Kung magbf/gf palang kayo eh para na kayong aso't-pusa eh paano pa kaya kung yung pagmumuka pa ng asawa mo ang una at huli mong makikita sa araw-araw? Sabi nga sa Bibliya "Lalong maigi ang tumahan sa ilang na lupain, kaysa makisama sa palatalo at magagaliting babae.". Anyway, sino ba ang gusto na may asawa na nagger at lalake na pasaway?

2. Show me yours and I will show you mine. Hmmm. Malaki-laking debate ito tungkol sa privacy or own space ng mag-asawa. 

Sa aking pananaw kung wala ka naman na lihim na alam mong ikagagalit ng bf/gf mo eh bakit mo kailangang magtago? Ngayong mga panahon na ito hindi na uso ang tignan mo ang tao sa mata para makita sila kung may tinatago sila sayo. Ang uso ngayon ay tignan mo ang messages sa cellphone at Facebook. Haha! 

Dapat ba alam ninyo ang password ng cellphone, email or social media sites ng isa't-isa? Sa aking pananaw oo. Wala nman mawawala sayo at magiging good shot ka pa sa partner mo dahil alam ninyo na wala kang tinatago. 

3. History "almost" always repeats itself. Kapag may history ng pagiging babaero/lalakero ang bf/gf mo eh malamang sa malamang eh magawa niya din yun sayo. 

4. Honesty is the best policy. Ang nagsasama ng tapat ay nagsasama ng maluwat. 

Kapag nagsabi sa'yo na wala siyang Friendster/Facebook tapos malaman mo na meron pala? Kapag malaman mo na 2 pala ang phone nya? Kapag nalaman mo na pag may lakad siya ang sabi niya barkada ang kasama niya yun pala lalake..isang lalake. Kapag nag-update siya na single/complicated relationship tapos kapag tinanong regarding dun ang sagot eh "wala lang" or "trip ko lang".

Ang ibig sabihin nun makati pa sa dilang makati yang kapareha mo. Haha. 

5. Eh kung ang bukang bibig niya lagi eh pangalan ng iba't-ibang lalake/babae? Big RED FLAG! 

"Sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang bibig."
Biro mo kayo ang magkasama pero ang araw-araw na topic niya eh si ka-officemate nya. Ano yun? 

6. "Kami lang naman ang magsasama. Ano ang pakialam ng mga kamag-anak niya?" Hindi totoo yun mga kaibigan. Narinig niyo na ba ang Mother-in-law from hell or pakialamerang mga hipag at bayaw? Think-think-think. 

Or kapag makita mo na yung kapatid ng kasintahan mo eh nag-aaway-away at nagsisiraan eh matakot ka na. Isipin mong mabuti kung yan ba ang gusto mong pamilya na sasalihan. Buy one take all ang pag-aasawa. Wala kang itatapon ni isa sa kanila. 

7. Kaibigan o ka-ibigan. Kapag madalas niyang pinipili to spend time with friends rather than to be with you is a big BYE! 

Ngayon pa lang  mas gusto niyang kasama ang ibang tao kesa sa'yo paano pa kaya kayo kapag you were pronounced as one? Dito mo masasabi talaga na walang forever. Haha!

8. Aba! Kung minamaliit ka ng bf/gf mo... Aba! Aba! Aba! Talaga! Hindi mo kailangan ng isang tao na manlalait sayo ng habambuhay. Ang pag-aasawa ay pagtutulungan sa ikaka-asenso ninyong dalawa. 

9. Blame means "be lame." Kung ang ikukuwento ng partner mo ngayon ay wala ng ginawang tama ang mga ex nila eh mangamba ka. Malamang sa malamang eh hindi yan tumatanggap ng pagkakamali at ang feeling niyan eh siya ang bida na laging inaapi at ang lahat eh kontrabida na. 

10. Self-centered. Puro na lang siya. Puro na lang ang gusto niya ang masusunod. Hindi marunong magbigay para naman sa kapakanan mo. Ang relasyon ay give and take. Kapag "take it, take it" ang drama, iwan mo na. Kalaunan niyan magsusumbatan pa kayo. 

11. Paano kung inggitero/inggitera? Ok lang mainggit kung gagawa ka ng paraan paano mo yun makuha. Eh kung ang partner mo ngayon pader ang niyayakap imbes ikaw eh magising-gising ka. Hindi masama mangarap pero kapag inutusan ka ngayon pa lang na mag-sanla or mangutang ng patubuan para lang sa "wants" niya eh kabahan ka na.

12. Mismong gf/bf mo ang nagkakalat ng tsismis mo at ng pamilya mo? Nuff said! 

13. Ahmm teka! Kilala ka ba talaga nya? I mean totoong ikaw ba ang pinapakita mo? Kapag ikaw mismo ang nagiging chameleon to please your partner eh dapat sa zoo ka na tumira.. Haha! 

Maraming points na dapat ilagay sa list na ito. May idadagdag pa kayo? Comment below :) 

Thursday, April 9, 2015

A Man is NOT a FINANCIAL PLAN

At Manila South Port, Export Division.
Kuya: Balita ko may nanliligaw sayo.
Me: Dati kong boyfriend, Kuya.
Kuya: Anong trabaho?
Me: Engineer.
Kuya: Walang pera yun. Ang daming customs broker bakit hindi yun? Yung kasama ko dito sa opisina interesado sayo.
Me: Ayaw ko sa broker. Babaero! Haha!

Conversation with in-law:
Ate: Flavor of the month ka na naman dito. Ang talino mo daw kasi malaki sahod ng pinakasalan mo.
Me: Haha!

In two above conversation, alin ang tingin ninyo na totoo? Sasabihin ko sa inyo, both of those ay totoo.

Sabi nga nila isang buwang sahod ng engineer eh isang lodgement lang ng import declaration naming mga broker. Allowance ng engineer for his monthly expenses eh isang gabing pang-inom lang ng accredited licensed customs broker. At talagang naputanayan ko yun sa first date namin. Kung ang mga ibang suitors ko nuon eh sa mamahaling restaurant ako dinadala, aba first date nmin ni Abbey McDonalds Trinoma. Pero do not get me wrong, hindi ko siya minaliit nun, natuwa pa nga ako kasi walang pretentions. First date, one point agad. :)

After ng around 6 months na ligawan, naging kami.

So nung mag-on na kami. Meet-the-parents and the whole family na ang arte. And I am so shocked ng kausapin ako ng mama nya. Sinabi ng mama nya "Alam ko may kaya kayo, maganda stado mo sa buhay. Kami anak mahirap lang kami". And sinasabi nya yun while tears flowing. Kung di ko rin daw seseryosohin ang anak nya eh hiwalayan ko na agad. Gusto ko sana sumagot na "Tita, ako po ang babae. Tsaka di po ako namamanhikan." Haha. Nakakatuwa kasi they are so transparent. Meet-the-fambam.. 2 points.


So dun na ako nagtatanong about his career plan. He deliberately answered me back na ayaw niya ng promotions because ayaw niya ng responsibility and walang katapusan na meetings. On 2008  I am already a supervisor. So I know how it feels to be on a higher ground.

He went to Singapore, we got married and little by little I instilled to his mind how good it is to be promoted. What are the pros to be managements' apple of the eyes and leading the team to what is good for the company.

Yang paliit-liit na salita na yan minsan napupunta sa pang-iirap. And lucky some of the books he have read taught him and backed me up of the idea. Heaven conspires and the right time came to Abbey.. Taas rango-taas sweldo.

Yes, I am that wise to choose Abbey to be my partner. Because I see in him the potentials well-hidden in a box of insecurities. I see in him his value that he never knew. I see how knowledgeable he is in managing people when he was described by the men and women around him.

Yung taga-Customs na nagsabi na wag si Abbey ay ginawa naming ninong sa kasal and on some kamustahan...
Kuy Ninong: Bilib ako sayo tahimik lang pero may napupundar na kayong mag-asawa.
Me: Kailangan po eh.
Kuya Ninong: Power Couple kayo iha!

Be the King and Queen of each other and together build your empire. Happy 4th Year Wedding Anniversary Baby!

Monday, March 23, 2015

Dear Main Tenants... (Singapore HDB/Condos Room for Rent)



Dear Main Tenants...

Main Tenants po ang tawag sa mga tao na directly na nakikipagusap sa mga agents or landlords to rent their house. Sila ang nakapirma sa mga Tenancy Agreements. And on that they are the one responsible in any thing that may happen to that HDB/Condo property.

As Filipino Expat, we chose to rent only a room, not a full flat. Why? It will be a great saving for us. So kasama sa pag-upa ng room lang eh kailangan makisama sa iba pang nakatira sa bahay na iyon. And it is never been a problem sa amin. I chose to post this blog to let all the main tenants or may ari ng bahay na makisama din sana sila sa lahat na kasama nila sa loob ng bahay. Both ends should adjust and meet in the middle.

Main tenant ka ba? Basahin mo ito. Baka kaya walang tumatagal na mag-stay sa mga kwarto mo eh dahil ganito ka or mga ganito ang nangyayari sa loob ng bahay.

1. As your tenant, inuupahan namin ang kwarto and lahat ng tao sa bahay should respect its own privacy. Huwag kayong basta na lang papasok sa room at sana pagsabihan ninyo din ang anak ninyo. Baka feeling ng anak niyo extension yun ng kwarto ninyo. Haha! Knock-knock muna bago pumasok.

2. Main tenants huwag maging gahaman sa space ok? Sa common area like sala, kitchen and storage area dapat hati-hati. Huwag mong i-hug lahat. May mga gamit din ang tenants mo na hindi pwede sa loob ng kwarto like kawali, sapatos or maruming damit.

3. Alam mo naman siguro ate/kuya ang oras ng pasok ng mga nangungupahan sa mga kwarto ninyo. Baka naman pwede huwag kayong magpatutog ng malakas na radyo, mag-drums or mag-piano. Pwede naman yan kung lahat ay gising na. Or use headseats na lang for your own pleasure.

4. Do not tell us na wala dapat bayad ang bata sa utilities. Sa dinami-dami ng mga gadgets ng anak mo, maya't-maya ang ligo, palit diaper, pakulo ng tubig, sterilize ng dede at charge ng kotse nilang laruan eh mas malaki pa ang kinukunsumo nila sa mga tenants mong maghapong wala sa bahay.

5. BABALA: Huwag dayain ang resibo ng PUB. Madaming AXS Machine na nakakalat. All we have to do is scan the barcode. Baka sa ginagawa mong yan eh mahagupit ka pa ng yantok sa Changi Prison.

6. Kapag may rules ka like wag tulo-tulo ang sampay, buksan lagi ang exhaust fan pag magluluto, laging i-lock ang main door at kung anu-ano pa eh siguraduhin mong pati ikaw sumusunod. Huwag double-standard mga kapatid.

7. Andito kami para mag-ipon kaya lahat ng tipid ginagawa ng OFW. I-solve ang issue sa loob ng bahay like pagkawala ng bigas, cooking oil or sabon panlaba, gadgets, damit pati sandwich wrap. Or baka may iba kayong dahilan bakit hindi naso-solve ang "disappearing cases".

8. May gamit ka pero gagasgasin mo eh yung gamit ng iba. Kapag nasira na yung hiniram mo, at ikaw na ang hinihiraman eh nakasimangot ka. Anong klase namang ugali yan?

9. Kung makikigamit ka ng pass ng tenants ninyo siguraduhin ninyo na babayaran ang bills. Huwag hayaan na magkaron ng pangit na credit history ang ibang tao dahil lang sayo. Ay teka! Bakit ka nga ba nakikigamit ng ibang pangalan? Blacklisted na kayo malamang sa lahat ng networks dito sa Singapore dahil sa failure to make payments. Mga kababayan huwag basta-basta magpahiram ng credit card or IC. Ok?

10. Nagtataka ba kayo bakit yung iba ayaw magpa-upa sa couples with kids? Yun ay dahil sa ingay. Hindi porke ikaw ang main tenant eh okay lang minu-minuto nagbubulahaw sa iyak ang anak mo. Baby yan, natural yan. Kaya sana pag ngumangawa na eh ipasok mo na sa kwarto ninyo ng para makulong ang ingay. Hindi yung umiiyak sa loob ng kwarto eh papalabasin niyo pa kasi kayo mismo naiingayan.

Lagi mong isipin ate/kuya paano kung sa inyo gawin ang mga gnagawa ninyo? Huwag laging pakamig. Kasi ang mga nagpaparaya eh nagsasawa din. Baka kamukat-mukat ninyo nakakalat na mga mukha ninyo sa social media bewaring mga tao na umupa sa inyo. Sige ka!

Sa mga katulad kong nangungupahan kung di nyo na talaga kaya ang rules sa loob ng bahay eh umalis na lang kayo. Ang daming bahay/room for rent nowadays. Ngayon ay panahon ay buyers' market pwede ka na mag-haggle ng upa. Sa amin ngang lilipatan ang rate ay $3700 for the whole flat natawaran ng $3000.

Magmuni-muni guys for harmonious relationship sa loob ng bahay. :) 
Get this gadget at facebook popup like box