Dear Main Tenants...
Main Tenants po ang tawag sa mga tao na directly na nakikipagusap sa mga agents or landlords to rent their house. Sila ang nakapirma sa mga Tenancy Agreements. And on that they are the one responsible in any thing that may happen to that HDB/Condo property.
As Filipino Expat, we chose to rent only a room, not a full flat. Why? It will be a great saving for us. So kasama sa pag-upa ng room lang eh kailangan makisama sa iba pang nakatira sa bahay na iyon. And it is never been a problem sa amin. I chose to post this blog to let all the main tenants or may ari ng bahay na makisama din sana sila sa lahat na kasama nila sa loob ng bahay. Both ends should adjust and meet in the middle.
Main tenant ka ba? Basahin mo ito. Baka kaya walang tumatagal na mag-stay sa mga kwarto mo eh dahil ganito ka or mga ganito ang nangyayari sa loob ng bahay.
1. As your tenant, inuupahan namin ang kwarto and lahat ng tao sa bahay should respect its own privacy. Huwag kayong basta na lang papasok sa room at sana pagsabihan ninyo din ang anak ninyo. Baka feeling ng anak niyo extension yun ng kwarto ninyo. Haha! Knock-knock muna bago pumasok.
2. Main tenants huwag maging gahaman sa space ok? Sa common area like sala, kitchen and storage area dapat hati-hati. Huwag mong i-hug lahat. May mga gamit din ang tenants mo na hindi pwede sa loob ng kwarto like kawali, sapatos or maruming damit.
3. Alam mo naman siguro ate/kuya ang oras ng pasok ng mga nangungupahan sa mga kwarto ninyo. Baka naman pwede huwag kayong magpatutog ng malakas na radyo, mag-drums or mag-piano. Pwede naman yan kung lahat ay gising na. Or use headseats na lang for your own pleasure.
4. Do not tell us na wala dapat bayad ang bata sa utilities. Sa dinami-dami ng mga gadgets ng anak mo, maya't-maya ang ligo, palit diaper, pakulo ng tubig, sterilize ng dede at charge ng kotse nilang laruan eh mas malaki pa ang kinukunsumo nila sa mga tenants mong maghapong wala sa bahay.
5. BABALA: Huwag dayain ang resibo ng PUB. Madaming AXS Machine na nakakalat. All we have to do is scan the barcode. Baka sa ginagawa mong yan eh mahagupit ka pa ng yantok sa Changi Prison.
6. Kapag may rules ka like wag tulo-tulo ang sampay, buksan lagi ang exhaust fan pag magluluto, laging i-lock ang main door at kung anu-ano pa eh siguraduhin mong pati ikaw sumusunod. Huwag double-standard mga kapatid.
7. Andito kami para mag-ipon kaya lahat ng tipid ginagawa ng OFW. I-solve ang issue sa loob ng bahay like pagkawala ng bigas, cooking oil or sabon panlaba, gadgets, damit pati sandwich wrap. Or baka may iba kayong dahilan bakit hindi naso-solve ang "disappearing cases".
8. May gamit ka pero gagasgasin mo eh yung gamit ng iba. Kapag nasira na yung hiniram mo, at ikaw na ang hinihiraman eh nakasimangot ka. Anong klase namang ugali yan?
9. Kung makikigamit ka ng pass ng tenants ninyo siguraduhin ninyo na babayaran ang bills. Huwag hayaan na magkaron ng pangit na credit history ang ibang tao dahil lang sayo. Ay teka! Bakit ka nga ba nakikigamit ng ibang pangalan? Blacklisted na kayo malamang sa lahat ng networks dito sa Singapore dahil sa failure to make payments. Mga kababayan huwag basta-basta magpahiram ng credit card or IC. Ok?
10. Nagtataka ba kayo bakit yung iba ayaw magpa-upa sa couples with kids? Yun ay dahil sa ingay. Hindi porke ikaw ang main tenant eh okay lang minu-minuto nagbubulahaw sa iyak ang anak mo. Baby yan, natural yan. Kaya sana pag ngumangawa na eh ipasok mo na sa kwarto ninyo ng para makulong ang ingay. Hindi yung umiiyak sa loob ng kwarto eh papalabasin niyo pa kasi kayo mismo naiingayan.
Lagi mong isipin ate/kuya paano kung sa inyo gawin ang mga gnagawa ninyo? Huwag laging pakamig. Kasi ang mga nagpaparaya eh nagsasawa din. Baka kamukat-mukat ninyo nakakalat na mga mukha ninyo sa social media bewaring mga tao na umupa sa inyo. Sige ka!
Sa mga katulad kong nangungupahan kung di nyo na talaga kaya ang rules sa loob ng bahay eh umalis na lang kayo. Ang daming bahay/room for rent nowadays. Ngayon ay panahon ay buyers' market pwede ka na mag-haggle ng upa. Sa amin ngang lilipatan ang rate ay $3700 for the whole flat natawaran ng $3000.
Magmuni-muni guys for harmonious relationship sa loob ng bahay. :)
1 comment:
I agree :)
Post a Comment