Showing posts with label Rodrigo Duterte. Show all posts
Showing posts with label Rodrigo Duterte. Show all posts

Friday, May 6, 2016

Hindi si DUTERTE ang Sagot

Tama ang sinasabi na paulit-ulit ni Mayor Duterte sa kanyang mga speech na kahit na umupo sya ng 10 taon sa pagka-presidente at walang naniniwala at susunod sa kanya eh walang mangyayari padin sa bansang Pilipinas.

Ano-ano ba ang mga dapat baguhin sa ating mga Pilipino?
1. Sense of entitlement. Ito yung dapat iahon ako sa kahirapan ng binoto kong presidente HABANG ikaw eh nakaupo lamang at ni ayaw maghanap ng pwedeng pagkakakitaan. Ikaw na BATUGAN.

2. Pag-galang sa batas. Sus, wala namang pulis pwede na dyan tumawid o i-beat mo ang red light wala naman nanghuhuli. Alamin at sundin ang batas.

3. Mahalin ang kapaligiran. Ang simpleng pagtapon na lng ng balat ng kendi. Susmio! Pwede bang ibulsa nyo na muna kung walang makitang basurahan, sa mga lalake pwede bang wag iinom ng madami kung alam mong walang kang cr na pwede datnan..tapos iihi sa pader ng may pader (not cool bro), sa mga dura ng dura, sa mga naninigarilyo pakiusap ayaw po nmin malanghap ang usok na binubuga ninyo.

4. Respeto sa ibang tao. Nawala na sa atin ung pagiging magalang sa babae at matanda. Bakit nawala ang malasakit natin sa mga kabataan?

5. Ibigin ang ating bansa. Tumutugtog na ang pambansang awit, sige pa din ang lakad. Ano ba ang turo sa atin sa GMRC nuon? Diba?!

Nung unang salta ko sa customs. Sabi ko ako ang simula ng pagbabago. Di ako maglalagay. Ayun! Ang import documents ko, nakatunganga sa Port of Manila simula umaga hanggang lunchbreak dahil walang nakaipit na P20.00. Ang sabi ko trabaho nman nila yun, bakit kailangan pa silang lagyan para mabilis ang proseso. Walang nangyari at naglagay pa din ako. Nilamon ako ng sistema at nawalan na ako ng pag-asa sa pagbabago na pangarap ko.

Ngayon, andito ako sa "pangarap" kong sistema ng Customs. Walang lagayan, walang anomalya. Pangarap kong maging tulad ng Sinagpore Customs ang Bureau of Customs ng Pinas.

Nakausap ko ang ibang mga kaibigan. Takot at ayaw ng mga taga-Customs kay Duterte. Alam nyo na kung bakit.

Dapat talaga hindi ito ang title ng blogpost na ito, hehe! Para lang makuha ang attention ninyo. (Effective naman diba?)

Di natin kailangan ng isang senador o senadora na magaling gumawa ng batas. Kailangan natin ng tagapag-patupad ng batas. Ang totoong kailangan na natin ay isang leader na may kamay na bakal na magpapasunod simula sa maliit hanggang sa malakaking tao sa Pilipinas. Di natin kailangan ang isang tao na anak/apo ng dating presidente na di mapaliwang san napunta ang mga pondo ng gobyerno. Nasubukan na natin halos lahat ng klase ng tao bilang mamuno sa atin. Andyan na ang may bahay, abogado, militar, ekonomista, anak ng dating presidente at pati artista pinatos na natin. Ngayon, subukan naman natin ang isang tao na naghahangad ng kapayapaan at susubok na maghilom ng sugat sa hidwaan ng gobyerno at NPA at mga kapatid natin sa Mindanao.

Pag nahalal si Manong Digong, humanda tayong lahat sa isang malaking pagbabago. Maraming aaray dahil sa mga itutuwid na baluktot na daan at sistema na ang akala natin ay "pwede na". Suportahan natin sya sa mga panukala nya. Gawin muna natin bago magreklamo.

Mabuhay ang Pilipinas!!! Halina't sama-sama tayo sa inaasam nating pagbabago!!!
Get this gadget at facebook popup like box