Friday, October 2, 2015

What Is The Best Investment (Paper Assets) For Me?



So ano? Tapos mo na baguhin ang mindset mo regarding sa pera, cleared out na lahat ang pagkakautang mo, may ipon ka na that will serve as your emergency fund (6-8 months worth of your monthly expenses), you are well protected by insurance.. Very good kung sinunod mo ang step-by-step in building a strong financial foundation. Ano na ang next step? INVESTMENT. 

"I am investing in stock market", ang sexy pakinggan no. Ang sikat mo nun pare, feeling iba ka pag sinabi na 'investor' ka.

Pagtuunan natin ng pansin ang paper assets. Paano mo nga malalaman ano ang best for you.. Direct trading ba to PSE o dadaanan tayo through mutual fund companies or banks for UITF. 

Pakibasa ang chart below. Sana makatulong sa pagdedesisyon ninyo sa pagpasok sa mundo ng investing. From there makakapag-decide ka kung ano ang pwede sayo that depends sa schedule at sa risk appetite mo. 

Click to Enlarge Image
Kung makikita nyo, TIME ang unang-una mo dapat malaman. Meron ka bang sapat na oras na pwede ilaan para magbasa, mag-aral at umattend ng seminars para matutunan ang pasikot-sikot ng paper assets. Meron? Good for you. Ano pa inaantay mo? Magbukas ng COL Account. 

Wala kang time? Di mo kaya i-give up ang panood ng telenovela or 3 accumulated hours na pag-fafacebook/twitter? Pero mataas ang risk treshold mo. Yung tipong makakatulog ka ng mahimbing kahit pulang-pula na ang merkado. Walang problema, the fund managers ng mga mutual funds at UITF are there to trade/invest for you in equity funds. Open an account and then its up to you paano mo dadagdagan ang investment mo. Walang tatawag sayo na due ka na or kailangan mo magtop-up. Pero tandaan mo the more you put in eh the more you can withdraw balang araw. 

Hindi ka Risk-Taker? Gusto mo sigurado na tutubo ang pera mo in a long run (5-10 years) na higit sa interest rates ng savings account ng mga bangko. Go for bonds. 

Eh you do not have time but you want to trade directly sa Philippine Stock Exchange. Kasi nga naman ang lakas makahatak ng chiks at ng mga fafa pag nalaman nila na you are a stock market investor. Pwede mo pa din pasukin ito. CitisecOnline have a certain page na nagsasabi kung ano ang magandang bilhin for that week, ano ang buy below price at ang selling price nya. And the best dun that advise is for free.  

Tandaan huwag mag-loloan para lang pangumpisa ng pan-invest. Hindi maganda. Pangit yan sa feng shui. Haha! Joke lang po. Huwag mangungutang para lang pumasok sa stock market. Tandaan kahit si Madam Auring di kayang hulaan na tataas o babagsak ang bawat shares sa araw ng bukas. Wag maglaro sa stock market ng walang sapat na kaalaman. Kakainin kayo ng buhay nun. Hehe!

1 comment:

John said...

Thanks for this Willmz. This gave me more insight on investing, specially that diagram you posted here. Sa ngayon, I fall under the risk taker (with a little less time), Pero, I'm also thinking of getting a term insurance which I don't have right now.

Get this gadget at facebook popup like box