Sunday, September 13, 2015

Ang Anak ay Hindi Obligasyon ang Magulang

"Kayamanan ko ang mga anak ko.", madalas mo yan maririnig sa mga magulang. Sarap pakinggan diba? Eh ito?.."Pinag-aral ko kayo, ngayon na may mga trabaho na kayo magbayad na kayo sa amin ng nanay/tatay ninyo!"...Anong magiging reaction mo? 

Ang ibang magulang "utang" pala ang dating sa pagpapalaki ng anak. Kaya pala nag-anak ng madami para yung mga yun na ang bumuhay sa kanila at sitting-pretty na lang pag nagsipaglakihan na ang mga junakis nila. So paano naman ang kinabukasan ng anak? Wala na din? Lahat mapupunta sa magulang at pagpapalaki ng sarili nilang mga anak. They do not have capacity to plan and invest for their own retirement. At pag sila naman tumanda, it is either they will work on their entire life or aasa sa maliit na pension ng gobyerno o aasa sa mga anak. And the cycle goes on and on and on.

May naririnig pa nga ako, high-school palang sinasabi na sa anak na dalin sila sa ibang bansa, bilan sila ng sasakyan o ng bahay. Hindi naman masama mangarap ano po? Pero nagbibigay tayo ng maling isipin. Namumulat na ang mga bata na kayo bilang parents nila eh dedepende nyo ang mga naudlot nyong pangarap sa mga anak ninyo. Meron nga ako kaibigan, ang tagal bago nakapag-asawa dahil di pa daw tapos ang ang obligasyon nya sa pamilya nya. Lumagay kaya kayo sa ganong sitwasyon? Ang bigat ano po? Bigat na dalahin. Yung isa naman nag-abroad at nung gusto ng umuwi ng babae ang sabi sa kanya ng nanay nya "Anak, dyan ka na muna, di pa natin kaya na sama-sama tayo dito." Pasan mo ang daigdig lang ang tema pag ganyan ang maririnig mo. Nakakaiyak pero reality po yan. 

Naalala ko ang sabi ng tatay at nanay ko palagi "Obligasyon ng magulang ang mga anak. Pero ang anak eh hindi obligasyon ang magulang". Nakinkil sa mga isip nming magkakapatid yun. Sa ilang taon ko na nagtatrabaho kahit kelan di ako hiningan ng singko ng magulang ko. Hindi ako binigyan ng obligasyon o tinokahan sa bahay. Nagbibigay ako kung ano lang ang kaya ko. Pero nung nakapag-abroad ako, monthly may Php3,000 sila sa akin. Malaki o maliit? Yun ang di ko alam. Pero alam nyo tuwing nagigipit kaming mag-asawa nakakahiram kami sa knya ng daan-daang libo. At sinasabi ng tatay ko, "Yan ang pinapadala nyo, iniipon ko." 


Hindi ko sinulat ito para inggitin kayo dahil ganito ang mga magulang ko. Sinulat ko to para magmulat sa atin na sana pag naging magulang na tayo, eh wag tayong maging pabigat sa mga anak natin kapag may kanya-kanya na din silang pamilya. Ngayon palang magplano ng maayos para sa anak at para sa sarili. Baguhin natin ang mga dating papananaw na ngayon eh nagdudulot ng mga malaking di pagkaka-unawaan. Minsan sa madalas eh nagiging away ng mag-asawa or ng magkakapatid kung sino at magkano ang magbibigay para sa monthly expenses ng magulang.

Sa mga anak naman, hindi ko to sinulat para maging balasubas. Magbigay ng naayon sa puso. Tandaan nyo ang unang utos na may pangako, "Mahalin ang mga magulang". Para sa mga nanay at tatay, huwag maging "magulang" o tuso, huwang maging tamad kundi maging maayos na ama't-ina sa mga supling. 

No comments:

Get this gadget at facebook popup like box