We have been aware of Kuya Laleng's condition since November 2018. We are aware na nakapila na sya for operation but due to COVID na-halt ang mga operation sa heart center (if I remember it right). And 2022 November may magandang balita ang kanyang may bahay na di na muna sya isasalang for operation.
|
Magandang Balita |
September 18, 2023, I am packing our luggages for our upcoming trip when I received a message from Ate Sol, sinugod sa hospital ang Kuya Laleng due to severe backpain. Immediately I video called Ate Sol. 8:38pm Kuya Laleng already asked for a pain reliever which is very unusual sa aming magkakapatid. We have high tolerance of pain. So alam na namin na talagang nasasaktan sya.
We called Ate Abigail, as always, our prayer warriors. Asking for prayers. Ate Abigail and Nika hanged up 2AM and 2:34AM of September 19 I received a message from Ate Sol “Wala na si Kuya”.
I am shocked. No tears left my eyes. 11:47AM I called Hannah(bunso nila Kuya), wala akong nasabi, iyak lang ako ng iyak. Parang gripo yung mata kong walang tigil ang tulo ng luha. May tanong ako, “Bakit ang unfair naman po? 17 lang si Hannah. 17 years is not enough to spend time with her father.”
Then nasundan yun ng iba pang mga questions…
- If we extended our family fasting ay madadagdagan ba ang buhay ni Kuya?
- If we continuously pray and pleaded for his condition na pagalingin syang tuluyan ay mapapagbigyan ba kami?
- Kung nagkaron ba siya ng sapat na pahinga at sumunod sa bawal ng doctor ay magkakita pa ba kami?
- If he didn’t push his Cebu trip okay pa kaya siya?
- Talaga bang hanggang dun na lang si Kuya?
September 20, sa eroplano palang nagpipigil na ako umiyak. I arrived at the wake. I can’t fathom why my reaction is to cry… no wailed! I wailed. It seems unreal. Unacceptable. I let my repressed grief flow. But then my composed father hugged me and sabi nya “Wala na tayong magagawa”.
Lalong masakit pero kailangan ko tumigil umiyak. Tama wala na kaming magagawa pero the question na bakit ang aga mawala ni Kuya still lingers.
Pero... ang hatol NIYA ay matuwid. Sino ako para magtanong?
Ngayon, pare-parehas kaming kailangan mag-move on magkakapatid. Lagi kong inaalala ang sabi ni Ate Sol at Kuya Ric, wala ng sakit, wala ng pagod, wala ng problema si Kuya Laleng. On that, ok na ako. Mas okay na siya dun. Mas maginhawa si Kuya dun.
Don’t worry Kuya Laleng, ipagpapatuloy ko pang-aasar kila Kuya Ric and Ate Sol! Para may spice ang buhay namin dito. I will move on with your memories ng pagpalo mo sa akin at paglinis ng mga langib sa sugat ko. Huhuhu!
|
Our Last Family Photo (w/o Nanay) |